MamClaireTV
チャンネル登録者数 2.02万人
1335 回視聴 ・ 237いいね ・ 2022/02/19
Ang pagsasalita ng ahas kay Eba ay hindi lamang ang tanging pagkakataon sa Bibliya na nagsalita ang isang hayop. Kinausap din ng kanyang sariling donkey si Balaam (tingnan ang Numbers 22:21-35). Dapat nating tandaan na, habang walang kakayahang magsalita ang mga hayop, may mga makapangyarihan (Diyos, mga anghel, Satanas, mga demonyo) na may kakayahang gumawa ng mga himala, kabilang na ang pagbibigay sa mga hayop ng kakayahang magsalita.
Maraming iskolar ng Bibliya ang naniniwala na si Satanas ang nakikipagusap kay Eba sa pamamagitan ng ahas hindi ang mismong ahas ang nagsasalita sa kanyang sarili. Kaya ang salaysay sa Genesis 3 ay hindi nagpapahiwatig na ang mga ahas ay may katalinuhang gaya ng tao na nagbibigay sa kanila ng kakayahang makipagusap ng maliwanag sa tao.
Bakit hindi nagtaka sina Adan at Eba na nakikipagusap sa kanila ang isang hayop? Hindi masasabing pareho ng pananaw nina Adan at Eba ang ating pananaw sa mga hayop. Sa ating panahon, alam natin dahil sa ating karanasan, na ang mga hayop ay walang kakayahang magsalita na gaya ng tao. Hindi naging bata sina Adan at Eba o kaya naman ay may ibang tao na nagturo sa kanila ng mga bagay bagay.
Maipagpapalagay ayon sa salaysay na sina Adan at Eba ay nabubuhay pa lamang ng ilang araw, kaya hindi katakataka para sa kanila na maniwala na maaaring magsalita ang isang hayop. Posible din na hindi ito ang unang pagkakataon na kinausap sina Adan at Eba ng isang nagsasalitang hayop. Maaaring si Satanas ay gumamit ng mga hayop upang makipagusap kay Adan at Eba bago nakipagusap sa kanila ang ahas. Napakakonti lamang ng mga detalye ang ibinigay sa salaysay, kaya’t maraming lugar para sa mga haka-haka at pagpapalagay.
Panghuli, hindi makatwiran para kay Eba na hindi sagutin ang ahas pagkatapos na malinaw na magsalita ito sa isang wika na kanyang nauunawaan at magbato ito ng matatalinong tanong. Maaari din na malapit lamang sa kanila si Adan at hinayaan siya nito na makipagusap dito pagkatapos na matiyak na hindi lamang siya nakikipagusap sa wala.
Hindi ang pakikipagusap sa ahas ang dapat na magdulot sa kanila ng pangamba kundi ang katotohanan na pinagdududa sila nito sa katotohanan ng utos ng Diyos (Genesis 3:1), tinutukso na sumuway sa Diyos (Genesis 3:4), at kinukwestyon ang motibo ng Diyos (Genesis 3:5). Dapat na naging sapat na ang mga ito upang tumigil sila sa pakikipagusap sa ahas.
LET'S BE FRIENDS:
ENCOURAGING WORDS:
🔰Facebook
| / mamclairetv
TAGALOG CHRISTIAN VIDEOS:
🔰 Instagram
| / mamclairetv
EXPLORE MORE VIDEOS:
🔰 SUBSCRIBE
| / mamclairetv
#Jesus
#Bible
#WordOfGod
コメント
再生方法の変更
動画のデフォルトの再生方法を設定できます。埋め込みで見れるなら埋め込みで見た方が良いですよ。
現在の再生方法: education
コメントを取得中...